Last august lang, nahuli ko yung ex ko na 6yrs kong gf na nagchecheat sakin sa driver nila sa shuttle. Binigyan ko ng chance na magbago at umasa ako na magigingh okay. Inaya ko pa sya mag pakasal na kase baka naiinip lang sya kase di pa kame kinakasal. Pero ilang beses ko pa din sila nahuli na nagkikita, nagbulag bulagan nalang ako kasi ikakasal na kame.
Etong last 2 weeks lang, dapat mamamanhikan na yung parents ko dun sa kanila pero na move yung date kasi aalis daw sya. nagpaalam sya sakin na hindi sya makakauwi dito sa bahay dahil magtataytay daw sila ng kasama nya sa bhouse pero nalaman ko na nagbakasyon pala sya kasama yung driver nila sa shuttle kaya nakipaghiwalay na talaga ako.
Eto hanggang ngayon, kinukulit nya pa din ako na ayusin na daw namin. Na wala na daw yung sa kanila, aayos na daw sya, na inaayos na daw nya. Pero di ko na lang pinapansin kahit gustong gusto ko talaga makipag ayos.
Ewan ko baka one of this days makipag bati din ako. O hindi na. Any advice?