Mind Palace
Eternal Poster
- Joined
- Sep 11, 2020
- Posts
- 1,135
- Reaction
- 327
- Points
- 310
Discussion, Not A Debate | Miguel na Arkanghel
Yamang iba-iba tayo ng pagkakaunawa tungkol kay Miguel na Arkanghel na nasa Bibliya, ano ang inyong mga patunay na ang arkanghel ngang iyon ay hindi si Jesus? Pag-usapan natin iyan sa magalang at mapayapang paraan. Palitan lamang ng tanong at sagot nang walang halong pang-iinsulto o panlalait sa iba.
Kapag may tanong na ibinangon, may paggalang nawa itong sagutin. Kapag hindi na makasagot o wala ng maipakitang patunay, pakisuyo na lamang na huwag po sanang gumamit ng anumang mga salita na nakasasakit sa iba, kundi magalang na lamang na sabihin na hindi mo alam o hindi mo talaga nauunawaan ang tinatalakay.
Sundin nawa natin ang payo na ito ng Bibliya pagdating sa pakikipag-usap sa iba:
Igalang ang lahat ng tao. (1 Pedro 2:17, Magandang Balita Biblia)
Sabihan mo silang huwag magsalita ng masama laban kaninuman, umiwas sa pakikipag-away, at maging mahinahon at magalang sa lahat ng tao. (Tito 3:2, Magandang Balita Biblia)
Sikapin ninyong laging maging kaaya-aya at kapaki-pakinabang ang inyong pananalita sa kanila, at matuto kayong sumagot nang tama sa lahat ng tao. (Colosas 4:6, Magandang Balita Biblia)
Happy discussion to everyone.