What's new

Ang diyos na tinutukoy ng mga sinaunang tao sa genesis sa bible, ay mga alien.?

Menzk8

Forum Veteran
Joined
Nov 10, 2017
Posts
985
Reaction
3,842
Points
645
*
May eshare lang ako, about sa genesis sa bible...
*
May napanood kasi akong kasaysayan ng ating pinagmulan, kung saan nagmula ang mga tao...
*
May natagpuan kasing mga clay tablet o mga bato at may mga nakaukit na language, symbol o sulat na gawa ng sumerian civilization noon, at nung na translate ng mga arquelogist.
*
Nalaman nila pagkakapereho sa kwento
ng genesis sa bible at sa sumerian clay tablet

*
Ang pinagkaiba lang, yung mga pangalan o mga character sa kasaysayan..
At ang katotohanan na malalaman mo sa sumerian clay tablet ay..

*
*
*
💢Kung sino tinutukoy ng mga sinaunang tao
Na diyos sa genesis...
"ay mga anunnaki" ..

*
💢sino ang mga gumawa sa tao.
"mga anunnaki" ...
*
💢paano nagawa ang tao.?
"Pinagsamang dna ng anunnaki at ng homo erectus.. At nabuo ang homo sapien"

*
💢Sino talaga sila adan at eva?
*
💢Paano dumami ang tao at namatay
Dahil sa great flood.?
"ang lifespand ng mga tao dati ay nasa thousand years" ..

*
💢sino talaga si noah..?
"isang nephelim o higante" .


*
💢Bakit malaki ang barko ni noah.?
"higante kasi si noah"

*
💢Individual ba inilagay ang mga hayop sa barko?
"Hindi.. Ayun sa teorya,, preniserve ang mga dna ng mga hayop"

*
*
At ayon sa arquelogist, ang natagpuang clay tablets ay mas matanda pa ng 400years kisa sa bible...
*
May halos thousands na clay tablets.. Ang hindi pa natranslate ng mga arquelogist....
*
*
*
tingin niyo,? ang kasaysayan na ginawa ng mga hebrew sa bible ay hiniram lang kaya sa ibang civilization?
*
At para mas maintindihan niyo tinutukoy ko..
Eto ang video.. Tagalog version..

*
You do not have permission to view the full content of this post. Log in or register now.
*
*
*
Sana walang magagalit sa nashare ko..
,. Isaliksik nyu lang din..
Kailangan lang ng malawak na pang unawa..

*
Nashare ko lang yan.. Kasi yung katanungan ko dati pa about sa bible...
*
Medyo napaliwanag lang ng mabuti about sa kasaysayan sa clay tablet... Kumbaga sa paliwanag sa kasaysayan ng sumerian is hindi miracle, kumbaga may science explanation... Yung mga anunnaki ay galing lang nman sa ibang planeta din......
At mapapaliwanag din sa video kung bakit sila napunta sa earth....
Ewan ko, nabilib lang ako at na mind opening,😁

*
*
Para sakin, kung tunay man yang kasaysayan sa sumerian civilization,,nabuo man tayo sa evolution, meron parin na lumikha sa lahat, Na hindi mapapaliwanag... 👌
*
*
Comment lang kayo.. Baka may iba pa kayong paliwanag..🤟👽👌
 
Last edited:
mga anunaki so tama pala talaga si boy insekto aka aklas

Paano dumami ang tao at namatay
Dahil sa great flood.?
kaya maraming namatay sa great flood binuksan kasi ni kim jong un ung dam sa pyongyang.

sino talaga si noah..?
"isang nephelim o higante"
higante si noah big three sila noon sa chicago bulls sila nila derrick rose nate robinson muntik pa nila matalo miami
 
Last edited:
Ahhahhahaa... Nababanggit nya yan noon sa mga battle fliptop.. Ahhahhaha
 
Last edited by a moderator:
Salamat sir, pero may tanong sa isip ko palagi, sa ibang planet kaya may mga living din? tapos bawat planeta merong diyos? tapos sa lahat ng diyos , may pinaka diyos
 
Hahaha. Eh? So mas naniwala pa yung mga "ekspert" sa kwento din ng ibang civilization noon? So dahil "naintindihan" ng mga "arquelogist" (archeologist) yung kahulugan ng mga tablet na gawa daw ng sumerian civilization, ibig sabihin, "yun na nga" mismo yung totoo? Mehehe. Mas naniwala pa kayo sa ganyang discoveries kesa sa bible na proven accurate kung tungkol sa mga nahuhukay ng mga archeologist? 🤦‍♂️ 😂
 
Maaaring may nabubuhay din sa ibng planeta...
Hindi lang natin sure,, kung may diyos din ba sila
 
Hindi pa nila pinaniwalaan ng lubos ang mga clay tablets... Kahit nalaman nila na mas matanda pa ang mga bato kisa sa bible.....
Hindi pa sila sigurado kung kailan naukit ang mga mga nakasulat sa bato...........,
isasaliksik pa nila, kasi hindi pa sapat ang kagamitan nila pang accurate kung kailan naukit ang mga symbol o language sa bato.....
.
Kasi kapag napatunayan na nila na mas matanda talaga ang nasusulat sa mga clay tablet.....
Wala na finish na....😅
.
.
 
Hindi pa nila pinaniwalaan ng lubos ang mga clay tablets... Kahit nalaman nila na mas matanda pa ang mga bato kisa sa bible.....
Hindi pa sila sigurado kung kailan naukit ang mga mga nakasulat sa bato...........,
isasaliksik pa nila, kasi hindi pa sapat ang kagamitan nila pang accurate kung kailan naukit ang mga symbol o language sa bato.....
.
Kasi kapag napatunayan na nila na mas matanda talaga ang nasusulat sa mga clay tablet.....
Wala na finish na....😅
.
.
Meh. Para lang magka idea ka sir, FYI, ang bible ay hindi basta 1 book. Collection po yan ng 66 books compiled into 1 book. Now, ang Genesis po ay natapos isulat ni Moises noong 1513 B.C.E. Ang huling aklat ng bible which is Apocalipsis (Revelations) ay natapos isulat ni apostol Juan noong 96 C.E. Kaya isinulat po ang buong bible sa loob ng 1600 years. Hindi kumpleto ang bible kung Genesis lang ang pagbabasihan. Isinulat ang bible ng mga 40 ibat-ibang tao na may ibat-ibang kalagayan sa buhay kagaya ng pastol, doctor, hari, negosiyante, abugado, at iba pa. Yung mga manunulat ng bible na yan ay nabuhay sa ibat-ibang panahon. Pero ang mga isinulat nila ay synchronized at walang contradiction. Ganyan po isinulat ang bible.

Ang bible lang ang guided ng Diyos na isinulat po. Kahit madaming nagke-claim na puro contradiction yung bible, dapat niyong tandaan na yung mga nagsasabing puro contradiciton ang bible ay karamihan sila yung mga taong hindi naniniwala sa Diyos at galit sa bible. Pero pag PINAG-ARALANG MABUTI ANG BUONG BIBLE, walang makikitang contradiction dito. Kaya nga synchronized ang bible pati sa history, archeology, science e. Walang ibang "holy book" ng ibang religion ang mas accurate kumpara sa bible.

Kaya kahit mas nauna pa yung mga nasa clay tablets na yan na isinulat, balewala yan dahil hindi naman yan basehan para malaman kung ano ang tunay na "holy book" o na yan na ang nagsasabi ng totoo. So, yung mga taong NANINIWALA jan agad sa ganyang mga "tablets" at haka haka na totoo lahat ng tuklat tungkol sa sumerian civilization, baka kailangan niyo pa pag-aralan yung bible bago magpadala sa ganyang mga post ;)
 
Last edited:
*
Part 5 = Si noah ba ay isang Alien-human hybrid? https://you👽tu.be/HO0gJ9uJ2DM
*
Part 6 = Ang tower of babel ay isang Alien spaceport? https://you👽tu.be/jFnvEr9xqzQ
*
Part 7 = Ang mga anunnaki ba ang nagtayo ng pyramid of giza? https://you👽tu.be/oUunneh_7mo
 
tama yan sir, bawat milky way sa galaxy may living things na nakatira jn. at may Dyos din cla, hindi lng tayu ang nabubuhay sa buong galaxy, dahil sobrang dmeng galaxy sa universe, may kanya knya yang milky way na compose ng mga planeta. at posibling bwat planeta ay ldeng tirhan ng living things na gaya satin. kya naniniwla aq. where not alone in the universe.
 
Ako. Dati. Naniniwala ako, kaya lang, nagshift ang paniniwala ko sa research ni Francesca Stavrakopoulou, kaya accepted ko ang tungkol sa sumerian dahil galing ako diyan.

Anyway, as of sa theist, hindi ako galit o anything. Masyado lang iniaangat ang bible, samantala ang Christianismo ay galing sa ibang dayuhan katulad ng Amerikano at Espanyol. Orginally, hindi tayo Christian, kung kaya, huwag tayo magpasalamat (kung meron nagpapasalamat, go) dahil diyan sa pag-iindoctrinate sa atin utak, kung bakit nag-usbungan ang sexism, homophobic at prejudice sa mga tao po. But kung gusto , go, yakapin hanggang mamatay.

Nanahimik tayo noon na hindi pa tayo Christian. Nabulabog lang tayo lahat basi sa atin kunsensya dahil kung ano-ano na lang ang inpormasyon ang ipinagpapasok sa atin utak na hanggang ngayon ay hindi makawala-wala ang mga tao diyan.​
 

Similar threads

Back
Top