- Joined
- Oct 13, 2017
- Posts
- 25,978
- Solutions
- 6
- Reaction
- 66,459
- Points
- 16,646
Palagi mo siyang Iniisip
Wag mo nang i-deny at wag kang pabebe. At least once ay inimagine mo na kasama mo si crush, at pinapakilig mo ang sarili mo dahil sa imaginary na kasweetan niya sayo. Yung iba nga eh sobrang advanced, pati future nila na may pamilya inimagine na?Tapos, darating ang araw na mapapanaginipan mo ang crush mo. Ibig sabihin ba nun, iniisip ka ng crush mo?Mali yun,ikaw yung nagi isip sa kanya.
Kung naiisip mo siya lagi bago ka matulog, mataas ang chance na pumasok din siya sa panaginip mo. Pero sa kasamaang-palad, hindi ibig sabihin nito na iniisip ka niya, at hindi rin naman ibig sabihin nito na napapanaginipan ka rin niya.
Hindi naman imposible na sabay niyong mapanaginipan ang isa’t isa. Pwede sigurong mangyari yun kung parehas kayong may gusto sa isa’t isa, o kaya naman, eh magjowa na pala kayo.
Bakit Lagi Siyang Napapanaginipan?
Kapag lagi mong napapanaginipan ang crush mo, ibig sabihin ay gusto mong maipaalam sa kanya kung ano ang nararamdaman mo.Gusto mo na malaman niya na hindi niya alam dahil sa kanya, hindi ka makakain at hindi ka rin makatulog ng maayos. Gusto mong malaman niya na ginagawa ka niyang isang nerbyosong tao sa bawat oras na kasama mo siya.
Pwede rin itong isang uri ng ‘recurring dream’ o yun bang parang paulit ulit lang ang nangyayari sa tuwing mapapanaginipan mo ang crush mo. Ibig sabihin ay meron kang internal conflict o issue na hindi mo nareresolve.
Pwedeng dahil nga gusto mong sabihin sa kanya na type mo siya pero hindi mo magawa dahil torpe ka, o kaya ay dahil babae ka, at sa kultura ng pinoy, ang mga babae na nagtatapat ng pagibig nila sa lalaki ay “hindi magandang tingnan.”
Kapag Nireject ka ni Crush sa Panaginip
Ang rejection ni crush sa panaginip ay hindi naman kaagad nangangahulugan na i-rereject ka niya o ayaw niya sayo sa totoong buhay, kaya wag kang agad mawalan ng pag-asa.Kadalasan ay reflection lang ito ng takot mo na mareject din sa totoong buhay. Sa kakaisip mo na wala kang pag-asa kay crush ay yun na din ang lumalabas na eksena sa dreamworld.
Kapag Sweet Siya Sayo sa Panaginip
Kung mapanaginipan mo naman na may gusto rin siya sayo, o kaya ay sobrang sweet niyong dalawa sa panaginip (kahit hindi naman ganun sa totoong buhay), yun ay dahil sa kagustuhan mo na makasama o maging kayo nung nagugustuhan mo.Wag kang masyado mag ilusyon na totoo ,pero malay mo diba?excerpt from KiligSuper