I can agree with some of the things that god says on the bible…
I can also disagree with some…
What kind of a person does that make me?
Hindi ako ang makapagsasabi kung anong uri ka ng tao, kundi si Jehovah at si Jesus lang mismo.
Pero para magkaroon ka ng ideya, puwede mong pag-isipan 'to.
Ang puso (o, pagkatao) ng isang tao ay nasisiwalat sa pamamagitan ng salita ng Diyos. (Hebreo 4:12)
Hebreo 4:12 Dahil ang salita ng Diyos ay buháy at malakas at mas matalas kaysa sa anumang espada na magkabila ang talim, at sa talas nito ay kaya nitong paghiwalayin ang panlabas at panloob na pagkatao, at ang mga kasukasuan at mga utak sa buto, at kaya nitong unawain ang mga kaisipan at intensiyon ng puso.
Ang isang taong may taimtim na pagnanais na makilala ang Diyos at gustong maglingkod talaga sa Kaniya ay kumikilala na ang kaisipan at mga pagkilos Niya ang mas nakatataas at mas makatuwiran kaysa sa atin. (Isaias 55:9)
Yan ang katotohanang nakasulat sa Bibliya.
May kapakumbabaan niyang kikilalanin at tatanggapin ang Bibliya bilang salita ng Diyos, hindi lang basta isang aklat.
1 Tesalonica 2:13 Kaya naman walang tigil naming pinasasalamatan ang Diyos, dahil nang marinig ninyo mula sa amin ang salita ng Diyos, tinanggap ninyo ito, hindi bilang salita ng tao, kundi gaya ng kung ano talaga ito, bilang salita ng Diyos, na umiimpluwensiya sa inyo na mga mananampalataya.
At kapag hindi kaayon ng katuwiran niya ang katuwirang nakasulat sa Bibliya, mapagpakumbaba niyang tatanggapin na hindi ang kaisipan at katuwiran niya ang 'mas tama' bagkus ay may pagtitiwala niyang iisipin at tatanggapin na 'mas tama' ang katuwiran at pagkilos Diyos at nagtitiwala din siyang 'mas alam' niya ang lahat.
Ang totoo nya'n, hindi naman nangangahulugan ng pagiging mapaniwalain ang paniniwala sa Diyos at ang pagtitiwala sa kaniyang mga kaisipan at pagkilos. Hindi iyon basta 'magtiwala ka lang' o 'basta maniwala ka lang' dahil palagi namang may ibinibigay na tulong ang Diyos sa mga mapagpakumbabang humahanap sa kaniya.
Kawikaan 28:5 Hindi naiintindihan ng masasama kung ano ang katarungan, Pero nauunawaan ng mga humahanap kay Jehova ang lahat ng bagay.
(P.S. Hindi tumutukoy ang 'lahat ng bagay' sa lahat ng bagay na naiisip natin. Tumutukoy ang 'lahat ng bagay' sa mga bagay na kinakailangan para mapaglingkuran siya sa kaayaayang paraan.)