What's new

Bibigyan niyo ba ng 2nd chance ang cheater?

8inchhotdog

Forum Guru
Elite
Joined
Sep 3, 2021
Posts
3,229
Solutions
4
Reaction
1,792
Points
1,279
Kung humingi ng 2nd chance, nangako magbabago at nag effort, bibigyan niyo ba ulit ng chance? Di may kasabihan na "a cheater will always be a cheater" pero may times ba na pwede sila bigyan ng chance?
 
Kung may sexual na involve na sa cheating, once is enough. pag fling kaya ko pa itolerate ng isang beses, pangalawa goodbye na.

Tsaka Kahit abutin ka ng 1 year magprocess ng sarili mo on whether you'll leave or stay, follow your pace. Wag kang papapressure pag sinabi sayo na kausapin mo sya agad, ayusin agad, bigyan sya agad ng chance. Don't. At your own pace. Nagloko sya, tyagain nyang maghintay sa pacing ng process mo if he/she really wants to win you back.
 
pagbigyan mo, pag umulit pa nasa sayo na yan.

ako nakagawa din ako ng ganyan sa misis ko (kasal kami) that time may isang anak na kami, nahuli nya ko/kami thru message kasamahan ko sa trabaho ung babae.

di ko na pinagtakpan sarili ko, umamin naman ako sa kanya(asawa ko) nag confess ako sabi ko sa kanya sinabi ko naman ung totoo, parang naawa lang naman ako dun sa lagay nung babae(single mom) kwento2 hanggang nagsabi sya sakin umamin sya na gusto niya ko at dun na nga nangyari ung relasyon namin dalawa, pero walang nangyari samin dalawa sinabi ko naman sa asawa ko at un naman ung totoo , pero sa feeling ko hindi naniniwala misis ko sakin na walang ngyari saming dalawa.


sobrang pagsisisi ko sa sarili ko bat ko nagawa ung mag cheat sa asawa ko, ito ung isang dahilan kung bat lalo ko pang minahal ung asawa ko tinanggap nya ko uli minahal nya ko gaya padin nung dati, ito ung experience namin mag asawa na hindi namin makakalimutan, natuto ako na hindi ko na magagawa ulit ito sa asawa ko.

sa ngayon binigyan kami ng isang anak pa na babae at dahil dun lalong sumaya ang aming pamilya at masasabi ko na napaka-tatag na ng samahan naming mag asawa.

mahalaga din siguro dito ung pagiging kasal naming dalawa ito ung isang dahilan kung bakit hindi kami naghiwalay at parehas kaming may takot sa Diyos although nakagawa ako ng kasalanan pero may salita paring pagbabagong buhay.
 
dipende sayo kung gusto mo ng peace of mind ekis na .
pero kung ayaw mo ng peace of mind balikan mo .
women is always a women ☕
pang kalsada yan ganyan mga galawan ng babae mga low value chick lang yan , dami eabab dyan , love your self bro , wag ka patalo sa emotion , be an alpha . di natin deserve ang ganyan 👌
 
2 possible outcome.
a. will actually change and reflect
b. cheat again

if you would like to take the risk then go
 
dipende sayo kung gusto mo ng peace of mind ekis na .
pero kung ayaw mo ng peace of mind balikan mo .
women is always a women ☕
pang kalsada yan ganyan mga galawan ng babae mga low value chick lang yan , dami eabab dyan , love your self bro , wag ka patalo sa emotion , be an alpha . di natin deserve ang ganyan 👌
Hindi ba mas ok sigma?
 
Uhmm, it depends siguro. Kung yung level ng pagcheat nya is umabot na sa point na may milagro na silang ginagawa nung other woman/man, wala nang second chance. Mahirap na kasi ibalik yung trust e. Kahit di naman na umulit yan, still, nakatatak na yan, and everytime na may misunderstandings or conflict kayo, susulpot yang issue nang pagchicheat na yan. So, para maging peaceful ang buhay mo, end mo nalang yan habang maaga pa 😅.
Kung yung tipong nagcheat naman sya, pero mild lang naman, and umamin agad, baka may 2nd chance pa. Pag-umulit ulit, sakalin mo nalang hanggang sa ma-deads, para mabawasan ng cheater sa mundo, joke! 😆🤣
 
Para saakin na nakaranas na lokohin wala ng second chance kasi mas naniniwala ako na mas magaan kasama ang taong pinagkakatiwalaan mo ng lubos kaysa sa taong minsan sinira na ang tiwala mo.. maliit man yan o malaking cheating.. cheating parin yan pwede yan magbago sa maikling panahon pero may posibilidad na ulitin nya ulit yun dahil nasubukan nya na noon
 
Back
Top