What's new

Do You Have Controlling Parents? Ito Ang Signs na Meron Kang Controlling Parents

Status
Not open for further replies.

Asherah Goddess

Forum Veteran
Established
Joined
Nov 17, 2021
Posts
1,904
Reaction
873
Points
532
Ang palantandaan na meron controlling parents kapag una sa lahat ay parents ang palaging nagdidisiyon para sa iyo. Kung mag-didisiyon ka man na para sa iyo ay palagi pinaparamdam ng parents mo na "mali" ang disiyon mo at ang disiyon nila lamang ang "tama". So all in all, hindi ka "free" mag-disiyon ng para sa iyo. Kapag ganoon ang set up ng ikinalakihan mo , in your ãdül† life , nagkakaroon ka ng symptoms ng anxiety , depression , tumataas ang stress level mo and then , mababa ang self-esteem mo o mababa ang self-confidence mo. Hindi rin siya maka-cope up sa life lesson niya in real life situation po. Hindi siya marunong magmaneubra ng life niya.

As a result na kapag nagkaroon ka ng partner in real life , nagpapa-control ka din sa partner mo. Ang lumalabas ay lahat ng disiyon ng partner mo ay pawang tama at mabuti which is hindi ka nakakapag-disiyon ng para sa iyo. Andiyan ang tingin ko na lumalabas na abusive partner ke physical or verbal abuse kung saan na hindi mo mabitaw-bitawan ang partner mo dahil pakiramdam mo na kapag binitawan mo siya , well , parang ikaw pa itong "mali" o "masama" or tipong pakiramdam mo na maliligaw ka na ng landas.

Para matuto ka na magdesiyon ng para sa iyo at maging independent , mag set ka ng "boundaries" sa parents mo o do not spend too much time sa parents mo. Sometimes o not all the time o mas mabuti na huwag na lang e tell your parents about your plans or goals in life dahil minsan ay hindi sila nakakatulong sa iyo. Andoon ang pagkakataon na parents pa ang hihila sa iyo ng "pababa" mismo. Kahit ano pa iyan ke mapera pa siya , pangarap pa iyan , sa relasyon pa niyan ng kaibigan , syota o asawa pa iyan.

Ganun lang po iyon. Ikaw na po ang magmamaneubra ng life mo at para matuto ka po na papaano maging independent individual po.
 
Last edited:
Haha 😅 Sobra naman subjective ang pagiging gwapo o pagiging maganda. Papaano naman kung sabihin ng kapitbahay na hindi naman gwapo o hindi naman maganda ang anak - e di magtataka sila kung bakit kinokontrol pa ang anak, haha 😅 Subjective lang siya.

Bakit meron akong naririnig na kapag nabubuntis daw ang babae, e ganun daw ang magaganda. So ang parents ay maluwag sa anak dahil hindi maganda pero nabuntis naman dahil ang tingin ng ibang tao na kapag mabuntis daw ang babae ay maganda.

Mahirap magpaniwala sa mga sabi-sabi.

Wala naman katotohanan ang mga katagang kapag gwapo o maganda, kailangan ekontrol ang anak.

 
Well said Ts, masasabi kong isa akong living example sa Thread mo.

Napatunayan ko lang ngayon habang binabasa ko ang post mo, kaya pala parang wala akong puwang sa mundo.

Unti unti ko na itong na-oovercome after namin bumukod ng asawa ko.

Nagagawa ko na makapagdesisyon para sa sarili at kinabukasan ng pamilya ko.
 
Langya kung ãdül† kana tas parents parin ang nagmamando ng buhay mo , aba mag isip isip kana, wala kang bayag

Tama lang na controlling ang parents kung ang bata ay minor pa at di nya pa kaya tumayo sa sarili nyang mga paa, eh baka masampigi kita kung minor kapa tas papalagpalag ka na controlling daw kuno parents mo 🤣 akala mo naman kaya na ng bata mag bukod para mabuhay sa sarili nya
 
Last edited:
Langya kung ãdül† kana tas parents parin ang nagmamando ng buhay mo , aba mag isip isip kana, wala kang bayag
yup truth hurts ganyan kasi kinalakihan ko pamilya na muntik na maging broken.

depende tlga sa nakaguhit sa palad mo. kanya kanya tayo ng pathways.

sana all nalang sa mga maayos ang buhay at pamilya.

at yun ang pakay ko sa mundong ibabaw
 
Kaya pala kawawa ang ibang lalake o babae na walang trabaho pagkatapos nasa puder pa rin sila ng parents nila , ang palaging nagmamaneubra ng disiyon nila ay walang iba kungdi parents pa rin nila. Kahit 30 plus old and above na sila , ang disiyon ay nasa parents pa rin nila.

Meron nga 12 years old kid na "YøùTùbér" - I think mga 12 years old to 13 years old ata siya. Basta hindi pa siya umaabot ng 16 years old ay laki na ng kinikita niya sa pagiging "YøùTùbér" niya pagkatapos as far as I remember, meron siyang sariling "bahay" as in. Ganun katindi , haha 😅 Nagsasarili na siya as a kid pero yung parents niya ay nakatira sa ibang bahay. Pagkatapos nang iniinterview siya kung pumapasok pa daw siya sa school , sabi niya na pumapasok pa siya pero not serious kung baga. Kung baga , nag-hahalf day lang siya pagkatapos umuuwi na siya ng bahay.

Ganun katindi. Maraming pera kase at laki ng kinikita niya bilang "YøùTùbér".

Oo. Meron talaga kahit bata ay malaki ang kinikita. Meron pa nga 15 years old na malaki ang kinikita niya sa blog online. Nakakabili na siya ng sarili niya at hindi siya humihingi ng pera sa parents niya. Sa kanya lahat ang pera. Kung baga maaga nagiging independent ang bata pero at least , sa ganun edad ay natututo na sila kung papaano tumayo ng sariling paa.

Depende pa sa parents kung supportive din. Dahil ang naaalala ko na 15 years old na iyon , nang nagdecide siya na magbusiness sa pamamagitan ng blogging , supportado siya ng tatay niya. Ang ibig sabihin , emotional and financial support siya ng tatay niya at okay lang sa kanya. Dagdag pa kung meron support from parents. Okay iyon.

But siyempre kung ang parents ay hindi ganun - tipong mala-diktatoryan o controlling siya na nagdedemand ng obedience galing anak at gusto sila lagi ang nasusunod lalo na sa pagdedisiyon , well , siyempre , iba ang path na patutunguhan ng anak. Magsarili siya without support from parents kung gusto niya maging independent.

Kaya malupit siya.
 
Last edited:
Bigyan lang ng guidance ay okay na. Meron psychological effect kapag sobrang "strict". Hindi naman maganda kapag sobrang pakawala.

Lumaki ako sa parenting style na meron "strict" ang set up pero nagrerebelde ako. Tumatakas pa ako para lumabas ng bahay. Dati noon teenager ako. Meron pa nga ako curfew dati. Ngayon ãdül† ako, rebelde pa rin ako pero hindi ako tumatakas. Nagpapaalam ako pero kapag maraming sinasabi, disiyon ko na hindi sumunod. My life , my choice.

Nabasa ko din na yung mga strict parenting style daw ay ang anak nila, well, ang result is pwede sila magsinungaling and then hindi lang sa parents magsisinungaling. Matututo rin magsinungaling sa kapwa niya tao. Ganun daw.

Halimbawa. Kapag strict ang parents na hindi pagamitin ng facebook ang anak , kapag nasa labas iyan , magfafacebook siya sa computer shop at hindi uuwi ng bahay. Then kapag tinanong siya kung saan galing ang anak , matututo siya magsinungaling na magsinungaling. Tapos kapag naging ãdül† na , matututo pa rin siya magsinungaling na magsinungaling sa kapwa tao kapag meron sitwasyon na pinipigilan siya.

Lalo na kapag meron partner pagkatapos ang partner is sobrang strict , sa susunod ay hindi na magpapaalam sa kanya then mag-aaway silang dalawa kung bakit hindi sila honest sa isa't-isa. Papaano naman magiging honest din sa bawat isa kung in the first place ay pinipigilan naman din siya.

Ganun ang epekto.

Yung strict parenting style is authoritarian parenting style. Sila yung mga tipong strict. But yung authoritative parenting style ay hindi siya strict pero taga nurture lang sila , responsive at supportive talaga sila but of course , any parenting style is depende pa rin sa personality ng anak but sabi , ang best parenting style daw is authoritative parenting style raw. Iyon. Hindi authoritarian a. Minsan , nalilito ako sa dalawa. Haha.

Plus, based on napagkuhanan na mostly sa mga anak na naging successful in job career or sa goal na itinahak nila ay galing raw sa authoritative parenting style daw na ganun ang set up sa kanila. Nabasa ko lang naman somewhere iyon.

Kaya nga malakas ang effect sa nakikita ko na sa sobrang strict ng parents sa anak na babae , sila pa ang maaga nabubuntis para makawala sa puder ng parents haha 😅 Pinsan ko ay nag-asawa agad dahil strict ang mommy niya. Hindi pa nga masyado nakakaipon ng pera ang pinsan ko ay nagmadali na agad siya mag-asawa pero at least , ang lalake ay meron pera. Still , depende pa rin sa personality ng anak mismo.

 
Last edited:
Basta ang masasabi ko lang sa mga tao struggling pagdating sa controlling parents , well , "set boundaries" po and do not spend too much time from your parents if you want to be happy , satisfied and maging kuntento. Marami pang mga tips para makasurvive from controlling parents.

Iyon lang iyon. You know to avoid stress , depression and anxiety or ano man nangyayari sa life mismo na hindi na talaga 100 percent "happy".

 
Basta ang masasabi ko lang sa mga tao struggling pagdating sa controlling parents , well , "set boundaries" po and do not spend too much time from your parents if you want to be happy , satisfied and maging kuntento. Marami pang mga tips para makasurvive from controlling parents.

Iyon lang iyon. You know to avoid stress , depression and anxiety or ano man nangyayari sa life mismo na hindi na talaga 100 percent "happy".

Sa adults lang ito applicable na may pakialamerong mga parents sa buhay ng ãdül† nilang anak
Hindi ito dapat sinasabi o tinuturo sa mga minors mga bata na hindi pa kayang tumayo sa kanilang sariling mga paa
 
Sa adults lang ito applicable na may pakialamerong mga parents sa buhay ng ãdül† nilang anak
Hindi ito dapat sinasabi o tinuturo sa mga minors mga bata na hindi pa kayang tumayo sa kanilang sariling mga paa​

Siyempre, bata, walang independent agad ang bata. Walang ganun except lang ang mga bata na nasa kalsada na ang karamihan ay walang parents as in. Mas maaga sila "magmature" sa tingin ko dahil in the early age , mas mulat sila sa "maraming experience" kaysa sa bata na nasa puder ng magulang na bini-baby pa.

Okay naman ang control pero hindi ko alam kung ano ang "context" na sinasabi na control sa ibang tao. Control ba na it means na ang lahat ng disiyon ay galing sa parents na 100 percent talaga sa kanila lahat o yung pagkaka-interpret ng control sa ibang tao ay emotional responsive at supportive sila sa "needs" ng bata and the only thing na magagawa nila is bigyan inpormasyon bilang gabay and disiyon na ng bata? Hindi ko alam kung alin sa dalawa pero kung ako ang tatanungin, hindi maganda ang una kong binanggit. Ayos sa akin na bigyan inpormasyon ang bata para maging gabay niya at disiyon na ng bata. Siguro, one way to control a child ay iyon. But para kaseng ang layo ng meaning ko.

Feel ko kase parang ang layo ng meaning ko dahil ang control is more like follow the laws without question ask or parang katulad ng bible. Follow the law in the bible without question ask and kapag nag-ask ng question, hell ang parusa. Authoritarian ang bible if alam ng mga tao still depende sa interpretation ng bawat tao. Mostly sa mga traditional and conservative religious background , strict ang set up ng parents to a child. May posibilidad na magkaroon din ang anak mismo hanggang maging ãdül† ng RTS. "Religious Trauma Syndrome" based sa upbringing niya po.


Nabasa ko din na at the age of 18 years old , yung parents ay hindi na dapat kino-kontrol ang anak. Nabasa ko lang naman iyon. Napansin ko sa atin na kahit 18 year old and above , kontrolado pa rin ng parents lalo na pagdating sa kung sino ang magiging syota niya in the future. Pakikialaman pa nila kung sino ang magiging syota ng anak at ang dahilan ng hiwalayan din ay parents ang simula. Tipong parents pa namimili ng syota ng anak nila. Ganun.

...at saka if iisipin na ang bata ay hindi kayang tumayo ng sariling paa kaya huwag ituro , well, pwede naman turuan ang bata kung papaano tumayo ng sariling paa a. Pwede. Hindi ibig sabihin na patatalsikin na ang bata sa labas ng bahay kinabukasan. Hindi ganun. Kung baga ipamulat sa kanila ang mga inpormasyon na hindi nila alam sa murang edad katulad ng goals , ambitions , job career , money at maraming iba pa. Meron nga 15 years old na anak na ipinasok agad ng parents sa mundo ng kpop industry. Si Jungkook ata iyon ng BTS. At the early age, nagkaroon siya ng pera agad pagkatapos nang naging ãdül† siya , malamang milyones na ang pera niya kung ecoconvert ang pera nito from currency ng South Korea to Philippines. Basta gusto ng anak.

Meron nga 15 years old ay may sarili pera na at supportado siya ng tatay when it comes to emotionally and financially support.

Pwede naman turuan pero hindi yung patatalsikin sa bahay ang bata agad tomorrow para lang tumayo ng sariling paa - kung baga kailangan din ng support from parents po.​
 
Last edited:
Kung Hindi magiging strict Ang mga parents, mas Lalong dadami Ang kaso Ng teenage *******cy🙄
Kaya yata maraming teenage prĕgnãncy, ay dahil sa mga strict na parents.
Kung patago kasi ang pakikipag-chukchak, less likely din sila mag eeffort para sa contraception. Nanghihinayang kasi sila na baka lumampas ang pagkakataon nila masubukan.
 
Kaya yata maraming teenage prĕgnãncy, ay dahil sa mga strict na parents.
Kung patago kasi ang pakikipag-chukchak, less likely din sila mag eeffort para sa contraception. Nanghihinayang kasi sila na baka lumampas ang pagkakataon nila masubukan.
We'll may point ka, Pero Hindi din nmn Tama na hayaan nlng ang anak sa mga gustong gawin, para lng matawag na mabuting magulang.
 
Ang sobra ay masama. Kapag sobrang strict ay masama. Kapag sobrang pakawala ay masama. Kaya nga according sa nabasa ko na ang best parenting style is "authoritative parenting style" po. Hindi authoritarian parenting style dahil ang authoritarian parenting style is equivalent nun is strict parenting style po. Autoritative parenting style ang best parenting style raw according sa nasaliksik but again , it depends din kase iyon sa personality type ng bata. We are inborn different personality type po. Kung baga since we are born here on earth ay meron na tayong kanyang-kanya personality type po.

Ganun.

Kapag strict po kase ay susunod lang ang bata pero hindi niya naiintindihan ang pagiging strict ng parents. Iyon ang explaination. Kung baga sunod lang ng sunod pero hindi naiintindihan pagkatapos nakabalot ang fear sa loob ng puso at damdamin mismo. Ganyan ang pagiging authoritarian ng bible na ang mga believers ay sunod lang ng sunod dahil sa fear of hell pero hindi naman nila naiintindihan.

Basta kapag hindi lang nasunod ang law of God , punishment from God agad although hindi ko naman inilalahat ng ilan anak na ganoon ang upbringing po within family na nagkakaroon na itinatawag na RTS which means "religious trauma syndrome" po , well , based on psychology , totoo po , existing talaga ang syndrome ng pagiging traumatic within religion.

Pang-eye opening lang naman ang ipinapaliwanag ko dahil tutal , ako lang naman ang taga eye opening dito sa phcorner - dahil ako lang naman ang nagbibigay ng inpormasyon na bago sa mga ibinabasa o naririnig sa akin.

Kapag pakawala naman gagawin sa anak , hindi rin maganda. Meron psychological effect kapag ganun.

Yung authoritative style is meron rules din ang mga parents diyan. Firm lang po siya pero hindi strict. Meron parent to child na open discussion. Kung baga give and take open discussion at yung rules or ang law ay pwede mabago from parents kung necessary. Nag reresponse po kase siya sa emotional ng bata sa needs niya.

Pero yung sinasabi na authoritarian or sinasabi na pagiging strict from parents to child , wala siyang open discussion from parent to child. Wala siyang give and take discussion from parent to child. Literally tough talaga siya. Mas mataas ang demand ng parent na maging obedience ang child sa kanila na less ang emotional response sa bata. Mataas ang control at mataas ang discipline kaysa sa pagnurture ng bata. Then ang rules from parents ay hindi siya talaga nagbabago.

Kaya tingnan niyo , kung ano ang concept ng God ng mga tao sa Pilipinas , ganun din sila lalo na ang mga parents na meron religious and traditional background mismo? Ganun din ang treatment sa anak. Hindi nakakapagtaka na conservative at religious country pa rin kase ang Pilipinas.

Hindi ba tayo nagtataka kung bakit karamihan pero hindi lahat ha? Karamihan ng atheist ay galing rin sa religious background or traditional ang set up ng family ang ikinalakihan din.

Kung iisipin niyo naman kung ano ang "open discussion" , well , isipin niyo na lang ang phcorner dito. E diba lahat tayo ay open discussion? Humihingi ng advice kapag meron problema , nagtatanong kung tama o mali sa mga sitwasyon na hindi natin alam kung ano ang ededecide.... ganito. Ganito ang open discussion. Parang nagdidiscuss tayo lahat dito pagdating sa problema o papaano esolve ang problema at maraming iba pa.

 
Last edited:
We'll may point ka, Pero Hindi din nmn Tama na hayaan nlng ang anak sa mga gustong gawin, para lng matawag na mabuting mamagulang.
Magkaibang bagay kasi ang "pag-gabay" at "paghihigpit" sa anak. Makalumang pagiisip na yung dapat hinahambalos, sinisigawan o kahit anong abuso para lang masabing dinidisiplina ang anak. Ang mahalaga lng ay alam ng bata kung ano ang consequence ng bawat gagawin nila, hindi yung meron "bawal" na hindi naman nasusunod.
 
Meron naman parenting training course galing sa mga experts ng psychology para mapalaki ang mga anak from infant to adults. Dami diyan sa online. Hindi sigurado yung kung ano ginawa ng parents sa anak ay ganun din ang gagawin sa magiging anak niya at tama nga na maka-old school na yung pagiging strict. Meron na training para ma improve ang parenting skills na no need of hitting a child. Pero kung mala traditional ka at maka religious uli, e alam niyo naman ang ibang religious setting ay nagbebased on bible at hindi masyado nakikinig sa mga ekspert lalo na kung hindi nakalagay sa bible, e di magstick doon if they want. Yun lang.

Siyempre deist ako, mas pabor sa akin kung ano sinasabi ng eksperts when it comes to parenting to a child.

O kaya isingit ng kaunting information about parenting sa curriculum ng school. Weird nga. Wala tayo seks education pati ang mga ganyan parenting skills, wala. Nag iisip lang. Talaga mala conservative at mala religious ang bansang Pilipinas noh? Hindi na mababago.

O meron na ba tayo seks education? Huli lang ako sa balita. Meron na ata.​
 
Last edited:
Status
Not open for further replies.
Back
Top