Nakipag relasyon ako at live-in sa isang "PSP". Nahulog ako sa kanya. Lumipat kami sa Metro Manila para makahanap siya ng work at ang sinabi nya ay mag babago siya. Pero kahit na provide ko ang lahat mula sa tirahan, pagkain, gasolina, at lahat ng gastos na kailangan nya ay bumalik pa rin siya sa pagiging "PSP".. May work siya as TL in a BPO, so I don't think na nangangailangan siya ng pera. Pero bakit kailangan bumalik siya sa pagiging "PSP". As in pag may sinabi siya na gustong puntahan ay kahit anong pagod ko sa work at kahit wala na akong pera ay pupunta pa rin kami para lang masatisfy ko gusto nya. Hindi ko lang maisip kung saan ako nag kulang. Paano mag move on? Hindi ko kasi mapigilan pero ini-stalk ko FB Acct. nya at nakikita ko na tloy pa rin siya as "PSP". Sobrang nasasaktan ako at hindi ko mapigilan. Mga bro paano mag adapt at move on sa ganyan pang yayari?