- Joined
- Oct 13, 2017
- Posts
- 25,970
- Solutions
- 6
- Reaction
- 66,437
- Points
- 16,640
Maaring totoo ito, maaari ring hindi pero wala namang masama na malaman ang mga ito. Narito ang ilan sa mga halimbawa ng pamahiin.
Pwede mo raw makita ang itsura ng iyong mapapangasawa kung gigising ka ng hating-gabi at titignan mo ang iyong sarili sa salamin habang may hawak kang kandila.Sa simula ay makikita mo ang isang kalansay sa salamin. Pagkaraan ng limang minuto, makikita mo ng buong-buo ang taong mapapangasawa mo.
Para maiwasan ang sitwasyon na mapaiyak ang iyong loved ones, wag mo siyang regaluhan ng panyo.
Iwasan din ang pagbigay ng matulis o matalas na bagay dahil maaaring magkaroon ng problema kung ikakasal na kayo.
Ayon sa mga matatanda, maraming nagtatanan na magkasintahan pagdating kapag kalahati na ang buwan.
Para maiwasan ang masamang kapalaran pagkatapos ng kasal, kailangang mauna ang groom sa simbahan sa araw ng kasal.
Ang pagkahulog ng singsing, belo o arrhae sa araw ng kasal ay nangangahulugan umano ito ng hindi masayang pagsasama. Kaya maging maingat sa pagdadala ng mga ito.
Iwasan ang paglalakbay- Ang lalaki at babaeng ikakasal ay dapat iwasan ang paglalakbay upang maiwasan ang mga aksidente.
Magiging ‘under the saya’ daw ang lalaki kung mauuna siya uupo habang kinakasal.
Ang pagkabasag ng isang bagay habang nasa reception ng kasal nangangahulugan ng swerte sa buhay ng bagong kasal.
Kapag sinundan ng isang dalaga ang mga yapak ng mga bagong kasal, siya na ang susunod na ikakasal.
Iwasang maupo sa dulo ng lamesa habang kumakain dahil pinaniniwalaang hindi ka makakapag-asawa.
Kapag nabiyuda ang isang babae sa kadiliman ng buwan, siya ay makakapag-asawang muli.
Kung sakaling nag-away kayo ng iyong kabiyak at umalis ang iyong asawa, kailangang kunin ng babae ang damit ng kanyang asawa at isampay ito sa ibabaw ng kalan at hapasin ng ilang beses para bumalik ang asawang lalaki.
Malas kapag ang magkapatid ay ikakasal sa loob ng isang taon. Upang maiwasan ang malas, ang kapatid na ikakasal ng mas huli ay dapat dumaan sa likurang hagdanan ng simbahan sa araw ng kanyang kasal.
excerpt from:smartpinoy/pinastraditions