What's new

Trivia Paano Mag move On Kay Crush

Professora Akira

☯️ SôulNinetãiL☯️
Contributor
Joined
Oct 13, 2017
Posts
25,954
Solutions
6
Reaction
66,409
Points
16,634
May nag request lang po😝 oh ito na request granted sa mga sawi kay crush hahaha

So ito naman para sa bigo at di pinalad mapansin ni crush at gustong mag move on at tuluyang makalimot kay crush,just some few approaches to take notes :




📌Iwas Approach

Una, siguraduhin na “crush” o paghanga lang talaga ang nagaganap. Kung ganito lang eh epektib na nga ang simpleng pag-iwas. Kung hindi mo siya nakikita, kusa siyang i-dedelete ng utak mo. Hindi naman to the point na bawal kayong nasa iisang lugar lang.Kung love mo na pala yung tao eh baka naman mamiss mo lang yun at lalo mong hindi makalimutan pag iniwasan mo.
Minsan parang droga yan eh, para matigilan kailangan ng rehabilitation. Humanap ka ng ibang mapag-didiskitahan, at hindi ibig sabihin ay maghahanap ka ng ibang magiging crush. Maghanap ka ng hobby. Makipag-bonding ka sa mga barkada.
Try to divert your attention to something worth,like games,hobbies etc.


📌Sawa Approach”

Pwede mo ring gawin ang kabaligtaran: imbis na umiwas ka, lagi mo siyang lapitan. Masama ang sobra, pero kung nasobrahan ka na sa crush mo eh malamang magsawa ka rin sa mukha niyan. Wag ka nga lang makipag-flirt dahil baka madevelop kayo. Titigan mo, pero wag kakausapin.Acceptance is key. Hindi mo naman kailangan na ipangalandakan na may crush ka sa isang tao, pero wag mo ring itanggi sa sarili mo ang mga nararamdaman mo.Kung inaccept mo na may gusto ka sa kanya, mas madali mong malalaman pag ayaw mo na.
Oh kaya kung hardcore ka, bakit hindi ka maghanap ng closure? Umamin ka sa kanya na crush mo siya at hilingin mo na “thank you” lang ang sagot niya. Baka nga siya pa ang umiwas sayo kapag ginawa mo yan.
Kapag naconfirm mo na wala nga talaga kayong future, mas madali mong tuluyang malimot ang nararamdaman mo.


📌“Hindi ka Ideal Person Approach”

Kapag nagkakagusto tayo sa isang tao, nabubulag tayo sa kanyang mga kakulangan or flaws. Kaya naman ang isang effective din na paraan para makalimutan si crush ay ang mamulat sa mga flaws niya.
Imaginin mo ang iyong ideal man/woman. Isipin mo kung ano ang itsura niya, macho ba siya or sê×ÿ, magaling ba siya kumanta, matalino ba siya or athletic, etc. Kung nahihirapan ka mag-imagine, isipin mo kung sino sa mga artista sa TV ang pinaka-pasok sa criteria mo.
Pag okay na, ikumpara mo ngayon yung crush mo sa ideal person mo. Agad mong makikita na marami siyang kulang, at dun baka marealize mo rin na may darating pang mas okay na tao para sayo.
(Although against ako sa comparison ng mga tao, isa talaga siyang technique para agad makalimot sa gustong kalimutan)


Sana may kontrol tayo sa mga emosyon na nararamdaman natin, pero kung bigla mo na lang naramdaman ang isang bagay, malamang ay bigla mo rin yang makakalimutan.Tandaan na ang mga tips sa taas ay mga general tips, tricks at suggestions lamang at iba iba ang diskarte natin. Pero kung wala kang idea, sana nakatulong ito para masimulan mo na ang “moving on.”Specific din ang mga tips na yan para sa pagkalimot sa crush. Pero kung naging karelasyon mo ang pinag-uusapan, iba na ang mga dapat gawin para dyan.




excerpt /paraphrase from: kiligsuper
 
Last edited:
Hahaha akalain mo nga naman nag biro lang ako gumawa ka ng thread paano mag move on kay crush ginawa mo talaga 🤣😆

Ako kapag may crush ako at nalaman kong may jowa na pala sya.. ang ginagawa ko eh umiiwas ako dumidistansya para naman respeto na rin sa karelasyon ni crush.. kapag may jowa na si crush di ko pinipilit sarili ko after 3 days meron na naman akong bagong crush oh minsan di lang isang crush meron ako minsan 5 🤣😆
 
Hahaha akalain mo nga naman nag biro lang ako gumawa ka ng thread paano mag move on kay crush ginawa mo talaga 🤣😆

Ako kapag may crush ako at nalaman kong may jowa na pala sya.. ang ginagawa ko eh umiiwas ako dumidistansya para naman respeto na rin sa karelasyon ni crush.. kapag may jowa na si crush di ko pinipilit sarili ko after 3 days meron na naman akong bagong crush oh minsan di lang isang crush meron ako minsan 5 🤣😆
sabi sayo eh,totohanin ko talaga pagpopost ,ganun ako kadali kausap diba?hahaha

buti kapa pa shift² ng crush ako minsanan lang kasi once naattract ako sa isang tao ,yun lang yun talaga 🤣 di ako masyado nangongekta ,pihikan pa din.
 
Last edited:
sabi sayo eh,totohanin ko talaga pagpopost ,ganun ako kadali kausap diba?hahaha

buti kapa pa shift² ng crush ako minsanan lang kasi once naattract ako sa isang tao ,yun lang yun talaga 🤣 di ako masyado nangongekta ,pihikan pa din.
Haha kapag single ka wala ka dapat limitasyon sa mga nagiging crush mo damihan mo pero kung in a relationship ka na ibang usapan na yun 😆🤣 dapat may back up plan ka parin kapag di pumasa sa isa meron pang reserva 😆😅
 

Similar threads

Back
Top