Mind Palace
Eternal Poster
- Joined
- Sep 11, 2020
- Posts
- 1,135
- Reaction
- 327
- Points
- 310
Noong lumiham si Pablo kay Tito, mayroon siyang binanggit sa kaniya na dapat niyang gawin. Ganito ang sinabi ni Pablo sa kaniyang liham:
Madalas na ginagamit ng ibang relihiyon ang tekstong ito upang ikatuwiran na hindi nila dapat igalang ang paniniwala ng ibang tao lalo na kapag salungat ito sa itinuturo sa kanila. Maging ang simpleng pagrespeto sa paniniwala ng iba ay hindi nila magawa dahil ayon sa pagkaunawa nila sa tekstong iyan, dapat na may 'kabagsikan' silang magsalita sa ibang tao para lamang ipakitang sila ang mas tama sa halip na ang ibang tao.
Buweno, sa tekstong ito, totoo namang sinabi ni Pablo na si Tito ay dapat na sumaway 'nang may kabagsikan'. Pero, malinaw naman ang punto ni Pablo, 'sawayin mong may kabagsikan SILA.'
Ang tanong, sino ang tinutukoy dito ni Pablo na dapat sawayin nang may kabagsikan?
Ganito ba ang dapat na maging paraan ng pagtuturo ng isang Kristiyano sa ibang tao kapag salungat ang pagkaunawa nito sa sinasabi ng Bibliya?
Tingnan natin ang konteksto ng talatang iyan upang malaman kung kanino ni Pablo binanggit ang mga pananalitang iyan sa kaniyang liham.
Sa pambungad na mga pananalita ni Pablo sa unang kabanata ng aklat, binanggit niya ang tungkol sa pag-asang pinanghahawakan niya na ipinangaral sa pamamagitan din ng isang Tagapagligtas. Pagkatapos ay binanggit niya ang mga pananalitang ito sa talata 4:
Kaya espesipikong binanggit ni Pablo ang pangalan ng kaniyang sinusulatan - si Tito. Pagkatapos nito ay ipinagpatuloy niya ang liham niya sa pagsasabing:
Sa sumunod na mga talata, sinabi ni Pablo kung ano ang mga katangiang dapat na taglayin ng isang mananampalataya upang maitalaga sila sa pagiging matanda sa 'lungsod'. Kabilang sa mga katangiang binanggit niya ay na dapat 'walang maipaparatang sa kaniya, hindi madaling magalit . . . hindi palaaway . . . may pagpipigil sa sarili at nanghahawakan sa matapat na salita.' Ito ay 'upang mahimok niya ang ilan at masaway yaong mga laban sa salita.' (Tito 1:6-9)
Ilan lang iyan sa mga katangiang nabanggit ni Pablo sa liham niya kay Tito. Gayunman, ano ang dahilan, bakit sinabihan ni Pablo si Tito na 'sumaway siya nang may kabagsikan'? Sino ba ang sinasabihan dito na dapat sawayin nang may kabagsikan? Yaon bang may ibang relihiyon at hindi nila kapananampalataya?
Tingnan nating muli ang sumunod na mga talata para maunawaan natin ang konteksto ng Tito 1:13.
Pagkatapos na banggitin ni Pablo ang mga katangiang dapat taglayin ng mga nagnanais maitalaga bilang 'matatanda', sinabi ni Pablo:
Sa liham ni Pablo kay Tito, sinabi niyang marami ang masuwayin at nagsasalita ng kasinungalingan. Ang mga ito ay nagtuturo pa man din sa iba sa mga kapuwa nila mananamba, at sinabi ni Pablo na itinataob nila ang mga sambahayan. Ibig sabihin, pami-pamilyang Kristiyano ang tinuturuan nila ng mga kasinungalingan. Kaya, ang tinutukoy dito ni Pablo ay yaong mga kapuwa nila mananampalataya pero sumasalungat naman sa itinuturo ng Kasulatan at mas nanghahawakan sa tradisyon ng pagtutuli.
Kaya, ano ang punto?
Ang sinasabihan ni apostol Pablo dito ay walang iba kundi si Tito na kaniyang sinulatan dahil sa maraming mga masuwayin ang sumasalungat sa mga itinuturo sa kongregasyon, o Iglesya.
Kaya sinabihan ni Pablo si Tito na 'sawayin mong may kabagsikan sila' - mga kapuwa nila Kristiyano na nanghahawakan sa pagtutuli at nagtuturo ng mga kasinungalingan.
Oo, mga kapuwa Kristiyano, HINDI IBANG RELIHIYON, ang sinabihan ni Pablo na dapat sawayin nang may kabagsikan dahil ang mga ito ay sumasalungat sa itinuturo ng Kasulatan. Kaya, ang ulat sa Tito 1:13 ay hindi kumakapit sa pagsaway doon sa mga hindi mananampalataya, kundi doon lamang sa mga mananampalataya sa Iglesya, o kongregasyon, na sumasalungat sa itinuturo sa kanila.
May kinalaman sa paraan ng pakikitungo o pakikipag-usap ng mga tunay na Kristiyano sa ibang tao, ganito ang isinulat din ni Pablo kay Tito:
Kaya, sinabi mismo ni Pablo na dapat ipaalala ni Tito na 'HUWAG MANLAIT SA KANINUMAN' ang mga tunay na Kristiyano, dapat silang maging mapayapa o mapagpayapa sa iba kapag nakikitungo sa mga tao, at DAPAT DIN SILANG MAGING MAHINAHON at nagpapakita ng kababaang-loob sa lahat ng mga tao.
Oo, kung ang isang tao ay may kabagsikang nagtuturo sa iyo at nagsasalita sa iyo ng masasakit na salita dahil sa iba ang iyong paniniwala, siya mismo ay sumasalungat sa sinasabi ng Kasulatan, na ang mga Kristiyano ay dapat na maging mahinahon at mapayapa sa iba, at hindi dapat na nanlalait sa kaninuman.
Kaya kung ikinakaila ng mga nagpapakilalang Kristiyanong ito ang mga katotohanang ito na dapat sila'y maging mapagpayapa sa iba, sila ay nagkakaroon ng makasariling mga hangarin gaya na lamang ng pagkakalarawan sa liham ni Santiago:
Ang inyong pag-unawa at pagrespeto sa mga Thread Starter, sa mga nagkokomento at sa mga nagtatanong ay lubos na pinahahalagahan.
Maraming salamat sa pagbabasa ng thread na ito!
"Ang patotoong ito ay tunay. Dahil dito'y SAWAYIN MONG MAY KABAGSIKAN SILA, upang mangapakagaling sa pananampalataya" (Tito 1:13, Ang Dating Biblia 1905)
Madalas na ginagamit ng ibang relihiyon ang tekstong ito upang ikatuwiran na hindi nila dapat igalang ang paniniwala ng ibang tao lalo na kapag salungat ito sa itinuturo sa kanila. Maging ang simpleng pagrespeto sa paniniwala ng iba ay hindi nila magawa dahil ayon sa pagkaunawa nila sa tekstong iyan, dapat na may 'kabagsikan' silang magsalita sa ibang tao para lamang ipakitang sila ang mas tama sa halip na ang ibang tao.
Buweno, sa tekstong ito, totoo namang sinabi ni Pablo na si Tito ay dapat na sumaway 'nang may kabagsikan'. Pero, malinaw naman ang punto ni Pablo, 'sawayin mong may kabagsikan SILA.'
Ang tanong, sino ang tinutukoy dito ni Pablo na dapat sawayin nang may kabagsikan?
Ganito ba ang dapat na maging paraan ng pagtuturo ng isang Kristiyano sa ibang tao kapag salungat ang pagkaunawa nito sa sinasabi ng Bibliya?
Tingnan natin ang konteksto ng talatang iyan upang malaman kung kanino ni Pablo binanggit ang mga pananalitang iyan sa kaniyang liham.
Sa pambungad na mga pananalita ni Pablo sa unang kabanata ng aklat, binanggit niya ang tungkol sa pag-asang pinanghahawakan niya na ipinangaral sa pamamagitan din ng isang Tagapagligtas. Pagkatapos ay binanggit niya ang mga pananalitang ito sa talata 4:
"Sumusulat ako sa iyo Tito. Ikaw ay tunay kong anak ayon sa pananampalatayang nasa ating lahat." (Tito 1:4, Ang Salita ng Diyos, SND)
Kaya espesipikong binanggit ni Pablo ang pangalan ng kaniyang sinusulatan - si Tito. Pagkatapos nito ay ipinagpatuloy niya ang liham niya sa pagsasabing:
'Ang dahilan kung bakit kita iniwan sa Creta ay upang ayusin mo ang mga bagay na kulang at upang magtalaga ka ng mga matanda sa bawat lungsod. Italaga mo sila gaya ng iniutos ko sa iyo.' (Tito 1:5)
Sa sumunod na mga talata, sinabi ni Pablo kung ano ang mga katangiang dapat na taglayin ng isang mananampalataya upang maitalaga sila sa pagiging matanda sa 'lungsod'. Kabilang sa mga katangiang binanggit niya ay na dapat 'walang maipaparatang sa kaniya, hindi madaling magalit . . . hindi palaaway . . . may pagpipigil sa sarili at nanghahawakan sa matapat na salita.' Ito ay 'upang mahimok niya ang ilan at masaway yaong mga laban sa salita.' (Tito 1:6-9)
Ilan lang iyan sa mga katangiang nabanggit ni Pablo sa liham niya kay Tito. Gayunman, ano ang dahilan, bakit sinabihan ni Pablo si Tito na 'sumaway siya nang may kabagsikan'? Sino ba ang sinasabihan dito na dapat sawayin nang may kabagsikan? Yaon bang may ibang relihiyon at hindi nila kapananampalataya?
Tingnan nating muli ang sumunod na mga talata para maunawaan natin ang konteksto ng Tito 1:13.
Pagkatapos na banggitin ni Pablo ang mga katangiang dapat taglayin ng mga nagnanais maitalaga bilang 'matatanda', sinabi ni Pablo:
"Ito ay sapagkat marami ang mga masuwaying tao. SILA ay nagsasalita ng walang kabulukan at mga mandaraya, lalong-lalo na iyong nasa pagtutuli. Huwag mo na silang pagsalitain sapagkat itinataob nila ang mga sambahayan. Magkamal lang ng salapi ay nagtuturo na sila ng mga bagay na hindi nila dapat ituro. Isa sa kanila, ito ay sarili nilang propeta, ang nagsabi: Ang mga taga-Creta ay laging sinungaling, asal masamang hayop at matatakaw na batugan."
(Tito 1:10-12)
Sa liham ni Pablo kay Tito, sinabi niyang marami ang masuwayin at nagsasalita ng kasinungalingan. Ang mga ito ay nagtuturo pa man din sa iba sa mga kapuwa nila mananamba, at sinabi ni Pablo na itinataob nila ang mga sambahayan. Ibig sabihin, pami-pamilyang Kristiyano ang tinuturuan nila ng mga kasinungalingan. Kaya, ang tinutukoy dito ni Pablo ay yaong mga kapuwa nila mananampalataya pero sumasalungat naman sa itinuturo ng Kasulatan at mas nanghahawakan sa tradisyon ng pagtutuli.
Kaya, ano ang punto?
Ang sinasabihan ni apostol Pablo dito ay walang iba kundi si Tito na kaniyang sinulatan dahil sa maraming mga masuwayin ang sumasalungat sa mga itinuturo sa kongregasyon, o Iglesya.
Kaya sinabihan ni Pablo si Tito na 'sawayin mong may kabagsikan sila' - mga kapuwa nila Kristiyano na nanghahawakan sa pagtutuli at nagtuturo ng mga kasinungalingan.
Oo, mga kapuwa Kristiyano, HINDI IBANG RELIHIYON, ang sinabihan ni Pablo na dapat sawayin nang may kabagsikan dahil ang mga ito ay sumasalungat sa itinuturo ng Kasulatan. Kaya, ang ulat sa Tito 1:13 ay hindi kumakapit sa pagsaway doon sa mga hindi mananampalataya, kundi doon lamang sa mga mananampalataya sa Iglesya, o kongregasyon, na sumasalungat sa itinuturo sa kanila.
May kinalaman sa paraan ng pakikitungo o pakikipag-usap ng mga tunay na Kristiyano sa ibang tao, ganito ang isinulat din ni Pablo kay Tito:
"Ipaala-ala mo rin sa kanila na HUWAG SILANG MANLAIT SA KANINUMAN. Dapat din silang maging mapayapa, mahinahon at nagpapakita ng kababaang-loob sa lahat ng mga tao." (Tito 3:2)
Kaya, sinabi mismo ni Pablo na dapat ipaalala ni Tito na 'HUWAG MANLAIT SA KANINUMAN' ang mga tunay na Kristiyano, dapat silang maging mapayapa o mapagpayapa sa iba kapag nakikitungo sa mga tao, at DAPAT DIN SILANG MAGING MAHINAHON at nagpapakita ng kababaang-loob sa lahat ng mga tao.
Oo, kung ang isang tao ay may kabagsikang nagtuturo sa iyo at nagsasalita sa iyo ng masasakit na salita dahil sa iba ang iyong paniniwala, siya mismo ay sumasalungat sa sinasabi ng Kasulatan, na ang mga Kristiyano ay dapat na maging mahinahon at mapayapa sa iba, at hindi dapat na nanlalait sa kaninuman.
Kaya kung ikinakaila ng mga nagpapakilalang Kristiyanong ito ang mga katotohanang ito na dapat sila'y maging mapagpayapa sa iba, sila ay nagkakaroon ng makasariling mga hangarin gaya na lamang ng pagkakalarawan sa liham ni Santiago:
"Ngunit kung ang naghahari sa inyong puso ay inggit at MAKASARILING HANGARIN, huwag ninyo iyang ipagmalaki at HUWAG NINYONG IKAILA ANG KATOTOHANAN. Ang ganyang karunungan ay hindi galing sa langit, kundi makalupa, makalaman at MULA SA DEMONYO. Sapagkat saanman naghahari ang inggit at makasariling hangarin, naghahari din doon ang kaguluhan at lahat ng uri ng masamang gawa. Ngunit ang karunungang mula sa langit, una sa lahat, ay malinis, mapayapa, maamo, mapagbigay, punô ng awa, masaganang namumunga ng mabubuting gawa, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari. Namumunga ng katuwiran ang binhi ng kapayapaang itinatanim ng taong maibigin sa kapayapaan." (Santiago 3:14-18)
[Katapusan ng artikulo]
[Hindi layunin ng thread na ito na siraan ang paniniwala ng ibang relihiyon o siraan ang ibang relihiyon, o ang ibang mga tao. Ang layunin lamang ng thread na ito ay upang ipaliwanag ang itinuturo ng Bibliya. Kung ang turong ito ng Bibliya ay sumasalungat sa inyong paniniwala at sa turo ng inyong relihiyon, puwede ninyong suriin ang thread na ito at ikumpara ito sa inyong pinaniniwalaan. Hindi namin layunin na baguhin ang inyong paniniwala o kumbertihin kayo sa relihiyon namin. Ang aming layunin ay ang mangaral at magturo, at magpatotoo tungkol sa Kaharian ng Diyos, gaya ng maliwanag na sinabi ni Jesu-Kristo na gagawin ng kaniyang mga tagasunod bago dumating ang wakas. (Mateo 24:14)]
Ang inyong pag-unawa at pagrespeto sa mga Thread Starter, sa mga nagkokomento at sa mga nagtatanong ay lubos na pinahahalagahan.
"Gawin ninyo sa inyong kapwa ang nais ninyong gawin nila sa inyo." (Mateo 7:12)