What's new

Closed Tama ba na mag stay sa isang relationship kahit di mo na sya mahal?

Status
Not open for further replies.
Hindi brad, naranasan ko yan, 6 years, 2 years dun wala nang pagmamahalang natira samin, minsan hindi na dapat pinipilit
 
mali po yon.unfair yun sa part ng partner mo. i have a piece of advice for you ... itry mo lang po balikan yung mga panahon kung papano mo sya minahal nung ngsstart palang kayo at gumawa ka ng mga bagong memories ninyo para bumalik ang nararamdaman mo sa kanya.
Bihira ang mga taong katulad ng partner mo.
sana makatulong
 
Try mo muna painitin ulit TS, kumbaga try mo ibalik yung sparks. Try mo isipin kung bakit mo sya niligawan in the first place. Isipin mo yung panahong gustong gusto mo sya. Baka kasi pag dumating yung araw na wala na sya dun mo pagsisihan lahat. Ikaw din...
 
Bro sigurado ka walang third party? Yung focus ka sa work mo ang third party bro, or sa environment mo ngayon. Di ko sinasabing pabayaan mo work mo at mag focus ka sa gf mo, timbang lang bro, wag mong kalimutan yung mga taong nagdala sa iyo kung nasaan ka ngayon. Siguro maganda na takbo ng career mo ngayon bro samantalang yung gf mo ganun pa din walang nagbabago. Akala mo lang wala nang love pero yung naiisip mo gf mo na masasaktan, yan ang love.
Baka naman at the back of your mind gusto mong maging malaya yung walang nagpipigil sa lahat ng gusto mo, hindi pwedeng ganun bro parang itatapon mo na lang sa isang tabi yung gf mo kasi tumabang na samahan nyo?
Siguro naman bro dun sa sinabi mong hindi mo sya iiwan eh sana naman seryoso ka o baka nadala ka lang nung mga time na yun? Kasi para sa mga babae sobrang halaga nung salitang yun, be man enough bro, check mo sarili mo kung bakit yan na feeling mo ngayon.
 
The basis of a good relationship is love and trust. Kung wala ang isa, hindi mag wwork. I suggest you talk with your partner about it and see what happens.
 
Very wrong it's not healthy anymore ,, let go na !! alis na !! wag mo na patagalin dhl , hnd ka masaya eh,, kht ano gawn nya effort para sayo plain nlng yan white background ,,, Mag usap na kayo na hnd na tlga pwd,,....
 
break up like a man ts, yun lng. ako dati pinag sisihan ko rin na umabot ng years kahit hindi ko na mahal, but eventually nagawa ko rin makipag break up yun lng masakit rin dahil sa haba na ng panahon, kaya hanggat maaga gawin nyo na. be honest lng, tao lng
 
Tama po ba na mag stay sa isang relationship na alam mo sa sarili mo na di mo na sya mahal? Yung tipong nag stay ka nalang dahil sa promise mo na di mo sya iiwan. Iniisip mo nalang na kawawa sya pag iniwan mo kasi alam mo na ganun ka nya ka mahal, na natatakot ka kasi pag iniwan mo baka kung ano gawin nya sasarili nya. Pero sa sarili mo na hindi ka na masaya😞, wala naman ibang babae para di mo sya mahalin actually focus ka sa work mo ngayon para ma achieve mo ung mga gusto mo sa buhay kumbaga walang third party. Basta nawala nalang ung love mo sa partner mo and friend nalang ung nakikita mo sa kanya. Tama ba na patagalin ung relationship na alam mo sa sarili mo na hindi ka na masaya 😞?

You need time, mahal mo siya pero sawa kana.
Kausapin mo lang po. Dadaan din sa point na maminiss mo siya. Tapos sa time na yun may iba na siya, tapos hindi kana niya mahal, tapos hindi kana makakahanap ng katulad niya, makikita mo siyang masaya na sa iba, yung tipong wala na siyang nararamdaman sayo. So go po, kausapin mo na siya na need mong space. :)
 
wala nang mas masakit pa sa taong pinaasa. mas masasaktan lang siya kapag nalaman nya na wala ka na palang gusto sa kanya tapos itinago mo pa.
 
Mag isip ka ng maraming beses kung talaga bang totoo na nafall out of love ka na. Busy ka lang masyado siguro sa ginagawa mo at panatag ka na na nandyan lang sya kaya feeling mo kaya mo mag isa kahit wala sya. Pero balik balikan mo muna pano kayo nagsimula gawin mo yung mga bagay na ginagawa mo nung bago pa lang kayo. Haranahin mo, idate mo, magbonding kayo. Pagkatapos tingnan mo sya, pakiramdam mo damdamin ko kung talagang di mo na nga sya mahal. Kasi kapag matagal na, nawawala man ang sparks, ang kilig or nagsasawa na, nandyan pa din naman yon love. Alangan naman kapag nagrelasyon ka sparks at kilig at excitement lang habol mo? Kasama yan dun, parang mga magulang lang natin yan, nauumay nasasawa pero ang pagmamahal nandyan pa. Laging nandyan lang yun, kailangan mo lang hanapin at ibalik sa tamang place nya or baka ikaw ang naligaw. Pag isipan mong mabuti at sana kapag nagdesisyon ka, di mo pagsisihan sa huli.
 
kung alam mong hindi ka na masaya sa isang relasyon, hangga't maaga bumitaw ka na kesa niloloko mo lang sarili mo, easy as that
 
Status
Not open for further replies.

Similar threads

Back
Top