[XX='PENN GUINN, c: 1333076, m: 595628'][/XX]
Ngayon naniniwala ako na lahat ng bagay sa mundo/o kalawakan ay may lumikha kasi napakaperpekto nito kung titingnan,gaya ng pagkakagawa sa mundo.Yung diyos na tinutukoy ko wala syang pakiramdam,pagkakakilanlan para sakin,lahat ng nandito gaya ng kalungkutan,paghihirap para sakin parte lang yun/tayo ng isang cycle.
Sana magkaroon ng pagkakataon para maipaliwanag ko mula sa Bible yung tungkol dito sa mga sinabi mo. Actually, sinasagot ng Bible ang mahahalagang mga tanong natin sa buhay, pero, hindi naman ibig sabihin eh lahat, yung mga importante lng na makakatulong sa mga tao na maunawaan kung bakit nangyayari ang lahat ng ito, kung bakit maraming relihiyon, kung bakit ipinahintulot ng Diyos na magkaganito sa ngayon, mga ganyang bagay.
Kaya, marahil, sa susunod na mga thread na gagawin ko, ipapaliwanag ko yung tungkol jan, kung ang Diyos ba ay basta na lang iniwan ang mga tao at hinayaan na lang sila na mamuhay sa sarili nila.
Again, nirerespeto ko ang iyong paniniwala, at hindi ko intensiyon na baguhin iyon.
Ang layunin ko ay malaman lamang ang inyong pananaw; at kung magkaroon ako ng oras para gawan ng thread yung mga paksa or tanong kung san kayo nagugulumihanan, eh, sisikapin ko tlagang buuin yung thread na yun, at maipakita ang sagot mismo ng Bibliya sa bagay na iyon.