What's new

Kumusta kayo, mga Atheist? Ano ang pananaw ninyo tungkol sa ...

Status
Not open for further replies.
theres no such creators na ayaw magpakita sa kanyang mga creations, isa lang nakikita kong mkatutuhanan na ginawang posible na andito tayo ngayon na may buhay, ang araw, dahil dyan na buo ang ating planeta, nagka taon na nasa habitable zone ang earth for now kaya maraming nabuhay na bacteria, at dahil din sa impact ng dalawang planeta na ngayon ay earth na kaya nagka roon ng atmosphere, pero di na ako mag eexplain, isa lng masasabi ko, na imbento lng ang god ng mga tao mula nung nagka lighting na hindi pa ito mapaliwanag ng mga tao noon kaya wala ibang maisip, dun pinanganak ang unang god. anyway pag na prove na mayron talagang all loving god, all powerful, pwede nang tawaging fact ang belief nyo, at wala nang hindi maniniwala, ganyan lng ka simple.
pag pipilitin nyong maniwala kahit alam nyong di totoo para nyo lng niloloko sarili nyo habang mga pastors at pari ang yumayanam, pero kahit ako na atheist kung may talent lng ako na mag salita mas gugustuhin ko maging pastor, paiikutin ko lng mga members ko habang kumikita ng walang tax na salaping cash, napakadali lng mag suot ng maskara, yang mga pastors kung walang pera envolve pustahan tayo walang mag tatagal dyan. pera ang hinihingi nila sa lahat ng problema nila, samantalang pag members ng simbahan nagkaka problema dasal lng maitutulong nila. yang jesus nyo kung mayron lng time machine dapat sinigurado talaga yan na mamatay talaga na hindi na pweding mabuhay kasi scripted lahat ng pagyayari sa bible story. walang katutuhanan lahat. real talk lng, sa tanda ko na to, kahit napalibutan ako ng religious people, kahit anong dasal pag nagka sakit diretso hospital, kung totoo yang dasal nyo wala na sanang hospital pa. kalukuhan lng lahat, kaya wag kayong mag sabi na mas vip kayong mga religious kung di nyo pa na poprove mga sinasabi nyo. mamamatay nlng kayo mabubulok walang all knowing, all loving, all powerful, isa lng masasabi ko after tayo mamatay napakarami pang pweding mangyari pero asides sa mga namatay nlng, marami pang pweding mangyari sa mga natitirang buhay, tayo as a human race, iisa lng tayo, dapat tayo2x mag tutulungan tru science para sa ating survival in the future hindi yung maghihintay nlng ng raptures, apocalypse, may mga 7 beast na aahon sa dagat, ta ng ina nmn. haha nakakatawa lng, na may mga malalaki at matured na tao parin na naniniwala sa mga ganyan, only in the Philippines nlng yata, pinag tatawanan nlng tayo ng ibang bansa, dahil alam nila na iting religion natin ang mag dadala sa atin sa kapahamakan, kung titingnan nyonsa survey lahat ng mga pure christian country mga usad pagong talaga. at worst pa mga religious country, yun pa mga high crimes rate.
 
[XX='Mind Palace, c: 1333725, m: 1764836'][/XX] agnostic, may chance pa ninyong ma recruit, atheist, waley na. unless you know na..
 
[XX='PENN GUINN, c: 1333363, m: 595628'][/XX] nakuu magagalit si papa j dyan lods. nasa tabi2x lng sya always watching you. bawal yan manuud ng ganyan. baka ma idolatry ka na nyan
 
mula pagka bata ko, lagi na akong nakikinig at nag babasa nga mga bible verse lalo na ngayong preacher pa parent ko. (hindi basta preacher lang, super loyal) pero sa dami ko nababasa at nalaman, basa ng history, yun. nakatakas sa kadina haha
 
mukang mahihirapan ka talagang mag paliwanag dyan, subrang talino na, nka lock na yan, kaya kung gusto nila sila nlng sa sarili nila mag bukas.
 
[XX='OPM The KinG, c: 1334211, m: 16740'][/XX] oki .. gaya ng sabi ko, wala akong layuning magkumberte ng mga member dito 😅
 
Hmmm, Hindi ako lumaking Saksi, actually, 2014 lng ako nabaptized as JW, pero, ako mismo ang nagsusuri sa paniniwala ko/namin .. Gumagamit ako ng iba't-ibang version ng Bible para maipakitang hindi lang ako nakafocus sa Bible Translation na galing sa amin na mga JW, yung NWT na Bible ..

Kaya, hindi ko man sinasabing, mayroon akong matibay na basehan kung bakit ako naniniwala sa mga pinapaniwalaan ko, pero, habang patuloy ko kasing sinusuri at pinag-aaralan ang Bibliya, alam kong hindi lang bsta doctrine yun ng saksi, kundi, iyon talaga ang itinuturo ng Bible ..

Hindi sa iniaangat ko ang relihiyon namin; ito ay ayon sa perspective ko lang naman; nakakakita din naman kasi ako ng pagkukulang sa organization namin as JW, pero still, tinitingnan ko kung paano nila hinahandle yung situation at yung mga issue at accusations na ibinabato sa kanila; and as individual, ako naman din ay gumagawa ng sarili kong pagsusuri para hindi sbhn ng iba na "naniniwala ka lang kasi nandiya'n ka na, or sila ang lagi mong kasama, at kausap" kumbaga eh, na-brainwash ka na .. Hindi gano'n ..

Hindi ko ikinukulong ang sarili ko sa relihiyong ito, I mean, yung tipo ba na lahat ng source ko na aaralin, laging sa JW lang, gumagamit din ako ng ibang source, like Biblehub, Magandang Balita Biblia, The Divine Name King James Bible, Strong's concordance Bible [for etymological references] para mapatunayan sa sarili ko na yung information sa mga publikasyon namin na ibinabahagi namin sa iba ay kaayon tlga ng itinuturo ng Bible ..

At, kapag kumbinsido na ako sa "belief" na yon, saka ko sya isi-share sa iba, kasi napatunayan ko ng totoo iyon ..

Kaya, kung mapapansin ninyo, hindi ako agad sumasagot sa mga tanong ninyo kung walang matibay na mga ebidensiya mula sa Bible yung mga isasagot ko .. So, sasaliksikin ko muna 'yon at aaralin, tas gagawan ko ng logical reasoning para mas tumibay yung katuwiran ng Bibliya, at pagkatapos no'n, bubuuin ko na sya as thread or article, saka ko ngayon ipopost dito or sa isang website ko ..

Pag may bumangon ulit na tanong, ganun ulit gagawin ko .. kaya, ang totoo, hindi lang yung mambabasa ang nakikinabang, kundi ako mismo, kasi, habang mas sinasaliksik ko ang sagot ng Bibliya, mas napapatunayan kong totoo ang pinaniniwalaan ko at hindi lang basta "paniniwala" na itinuro sa akin ng iba ..
Good .. thats nice na ur making an effort on actually studying different bible versions ..while ur at it ... Study mo din ang origin ng bible...ung authorship..ung timeline nea kung kelan nasulat... Madame kasi jan loopholes din... I hope u will look at those things as well and not just ung copies of copies of copies of the bible na meron now.....

As far as i know..unknown ang authorship ng bible...and wala ding original copies para icompare ung copies na meron ngayon
 
@Ace106..Iba-iba ang paninindigan ng mga atheist, may ilan na ayaw na talagang maniwala sa Bible, may ilan naman na gusto pa rin nilang malaman yung sagot .. So, kung nahirapan ka magpaliwanag, hayaan mong kami muna ang makipag-usap sa kanila or kung hindi tlga tumatanggap ng paliwanag yung isang atheist, igalang na lang natin yung desisyon nila, at respetuhin sila .. ang mahalaga, sa part natin, sinikap nating magpatotoo, at ginawa natin ang atas natin ..

Okay? 😅
Pabutt in lang...iba iba din ng standards ang tao in terms of believing something..

U guys believe in a god, u also believe na ung bible ang word ni god... Until mapatunayan na totoo ang both premises na yan tska pa lang ako maniniwala.... Proving the bible using the bible is not proof
 
Di po ako familliar du'n sa loopholes na binanggit mo, ano ba yung loopholes na yun .. ?


wala ding original copies para icompare ung copies na meron ngayon

Sa pagkakaalam ko, may mga original manuscript ang Bible, pero yung sa old testament ang karamihan na nakasurvive ... Yung New Testament, copies na lng tlga sya ..


Maghahanap ako ng reference ko about sa 'original manuscript' na nabanggit ko .. Pero kung mali man ako, sasabihin ko agad, para maging malinaw sa iba ring reader dito ...
 
Shini-share ko rin naman sir yun lang mahirap talaga ipaliwanag sa mga atheist ang bible.
Ill make it simple...you believe in ur god... I just wanna know the reasons why... Pero the reasons ur giving me eh the same reasons ive heard mula sa ibang believers who believes in a different god than yours...i dont think na pdng lahat kayo eh tama kung ganong reasoning ang tatanggapin ko
 
Di po ako familliar du'n sa loopholes na binanggit mo, ano ba yung loopholes na yun .. ?


wala ding original copies para icompare ung copies na meron ngayon

Sa pagkakaalam ko, may mga original manuscript ang Bible, pero yung sa old testament ang karamihan na nakasurvive ... Yung New Testament, copies na lng tlga sya ..


Maghahanap ako ng reference ko about sa 'original manuscript' na nabanggit ko .. Pero kung mali man ako, sasabihin ko agad, para maging malinaw sa iba ring reader dito ...
Example eh ung mga stories sa bible... Icompare mo sya sa other contemporary records within the same time period ng nangyari ung mga events na nabanggit sa bible....

Ung exile at exodus ng jews, ung flood, and madami pa....

Aside from that ung mga issues like slavery,incest, killing of babies,homophobia, etc...nakasulat mga yan sa bible....

Or ask urself din if can a man survive for days after being swallowed by a fish??

Or ung sermon at the mount na may iba ibang details depende kung san book mo babasahin....

Ung mga internal inconsistencies...as well as ung inconsistencies with the natural world ...

Try to understand those things without any biases....
 
Always watching pero not really doing anything....

Malapit ko na masagot yung mga tanong ninyo about dito .. Di ko pa kasi tapos buuin yung article .. Hahati-hatiin ko kasi yung mga thread, masyado kasing mahaba .. Baka hindi na basahin ng mga reader dito ...

Siguro sa mga susunod na thread, bsta nasundan ninyo yung mga unang thread na ginawa ko, maiintindihan na ninyo kung bakit ipinahintulot ng Diyos na mangyari ang masasamang mga bagay sa mundo at kung bakit hindi pa siya kumikilos para alisin ang masama ..


Ganito lang muna mga sagot ko ngayon 😅
 
Status
Not open for further replies.
Back
Top